^

Police Metro

Pulis tepok sa puno ng akasya

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang aktibong miyembro ng pulisya ang nasawi makaraang aksidenteng sumalpok ang sinasakyan nitong motorsiklo sa isang malaking puno ng akasya sa highway ng Brgy. Poblacion, Calintaan, Occidental Mindoro, kamakalawa ng hapon.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si P/Staff Sergeant Ronald Hilario Ani, nasa hustong gulang, may-asawa, PNP member, nakatalaga sa Mamburao Municipal Police Station at residente ng Brgy. Ligaya, Sablayan ng lalawigang ito.

Sa ulat, bago nangyari ang aksidente, alas-2:30 ng hapon sa Sitio Taluto, Brgy. Poblacion, Calintaan, Occidental Mindoro ay kasalukuyang binabagtas ng  biktima na minamaneho ang kaniyang Honda motorcycle  at pagsapit sa pakurbang daan ay nawalan ito ng kontrol at tuluy-tuloy na sumalpok sa puno ng akasya na nasa tabi ng highway.

Tumilapon ang biktima na nagtamo ng matinding sugat sa ulo at iba pang bahagi ng katawan na siyang naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with