3 magkakapatid todas sa sunog
MANILA, Philippines — Tatlong magkakapatid ang namatay habang kritikal ang isa pa nilang kapatid nang makulong sa nasusunog nilang bahay sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Isa sa nasawi ay nakilalang si Gelian Nardea, 8, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa pang narekober na bangkay kung ito ay ang nawawalang si “Mikmik” o ang kapatid na si “JC”.
Namatay habang nilalapatan ng lunas si Kian, 10, sa Caloocan City Medical Center habang inoobserbahan si Rodolfo, 5. Sa ulat, alas-3:03 ng madaling araw nang sumiklab ang apoy sa bahay ng mga biktima sa Julian Felipa Street sa Brgy. 8, ng naturang lungsod habang ang mga ito ay nasa kasarapan ng tulog. Alas-4:25 ng madaling araw nang ideklara na under control at mopping operations, ay nadiskubre ang mga sunog na katawan ng apat na bata sa likurang bahagi ng bahay habang isang bata pa ang sinasabing nawawala.
Ayon sa mga kapitbahay, matagal nang walang kuryente ang bahay ng mga biktima at tanging kandila lamang ang ginagamit.
- Latest