^

Police Metro

7 na patay sa lindol sa Mindanao

Joy Cantos - Pang-masa
7 na patay sa lindol sa Mindanao
Sa update, sinabi ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, nagmula sa Alamada, at Makilala, North Cotabato ang nadagdag pang mga nasawi. Ang iba pang mga namatay sa lindol ay mula naman sa Regions XI, XII at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
File

MANILA, Philippines — Pumalo na sa 7 ang nasawi habang nasa 93 na ang bilang ng mga nasugatan sa pagtama ng 6.3 magnitude na lindol sa Mindanao noong Miyerkules, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Sabado.

Sa update, sinabi ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, nagmula sa Alamada, at Makilala, North Cotabato ang nadagdag pang mga nasawi. Ang iba pang mga namatay sa lindol ay mula naman sa Regions XI, XII at Bangsamoro Autonomous Region in  Muslim Mindanao (BARMM).

Kabilang sa mga ito ay dalawang bata isa rito ay 7-anyos na batang babae na nadaganan ng pader sa Tulunan, North Cotabato at dalawang taong batang babae rin sa Magsaysay, Davao del Sur. Isa namang ang  inatake sa puso bunga ng insidente at iba pang mga biktima.

Nasa 1, 653 pamilya o kabuuang 8, 265 katao naman ang naapektuhan ng lindol sa 52 Barangay sa Region XI at XII  kung saan nasa 352 katao ang pansamantalang nanunuluyan sa mga evacua­tion centers habang nasa 547 pamilya o 2, 673 katao ang nakituloy sa labas ng mga evacuation centers sa kanilang mga kamag-anak sa ibang mga lugar.

Nairekod naman sa 1,699 ang mga napinsalang imprastraktura sa Regions XI, XII at BARMM habang nasa 329 namang mga bahay, dalawang health center, isang pampublikong istraktura at dalawang simbahan ang napinsala ng lindol.

Kaugnay nito, nitong Huwebes ay isinailalim na sa state of calamity ang Makilala at M’lang, North Citabato.

vuukle comment

EARTHQUAKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with