Sunog sa Navotas: 1 patay
MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki habang dalawa ang nasugatan sa naganap na sunog na kung saan ay higit 700 pamilya ang nawalan ng mga bahay sa Market 3, Navotas City kahapon ng madaling araw.
Ang nasawi ay nakilalang si James Bantasan, 24, habang isinugod naman sa Ospital ng Navotas ang mga sugatang sina Mercy Abero, 49 at si Lester Razon, 38.
Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Navotas City, alas-2:30 ng madaling araw nang sumiklab ang apoy sa bahay ng isang Rogelio Puntial sa may Market 3 Fishport Complex sa Brgy. North Bay Boulevard North (NBBN) na mabilis kumalat dahil pawang gawa sa light materials ang mga kabahayan.
Umakyat sa 3rd alarm ang sunog dakong alas-2:35 ng madaling araw saka umabot ng 5th alarm dakong alas-2:45 ng madaling araw bago idineklarang fireout dakong alas-6:11 ng umaga.
Patuloy pa rin ang otoridad kung paano nagsimula ang sunog na tinatayang nasa P1 milyon ang halaga ng ari-arian ang natupok.
- Latest