Unang Malasakit Center sa Quezon City binuksan ni Mayor Joy at Sen. Go
MANILA, Philippines — Pormal nang binuksan kahapon ni QC Mayor Joy Belmonte at Senador Bong Go ang kauna- unahang QC government run Malasakit Center na matatagpuan sa Novaliches District Hospital sa Novaliches Quezon City.
Ang bagong Malasakit Center ay ika-46 sa buong bansa at pang 21 naman sa buong Luzon.
Sinabi ni Mayor Belmonte, ang Malasakit Center ay isang one-stop shop na ang isang may sakit ay hindi na tutungo sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para humingi ng ayuda dahil nasa center na ang mga helpdesk ng Philhealth, PCSO, PAGCOR, DOH, at DSWD.
Anya, sa center ay agarang mabibigyan ng ayuda sa pagpapagamot ang mga mahihirap na taga Novaliches na kadalasa’y ipinapasa Diyos na lamang ang karamdaman dahil walang pambayad sa ospital.
Personal namang iniabot ni Senador Go at Presidential Asst. for Visayas Mike Lloyd Dino ang P5 milyon tseke para sa operasyon ng Malasakit Center.
- Latest