^

Police Metro

7 Pulis-Antipolo pinasisibak sa serbisyo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos hatulang guilty ng PNP-Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang 7 Antipolo City police na sangkot sa kontrobersyal na drug raid noong Mayo 4, 2019 ay pinasisibak na ang mga ito sa serbisyo.

Ang mga pulis na pinasisibak ay sina P/Master Sgt. Donald Roque;P/Master Sgt. Rommel Vital, P/Staff Sgt. Stephen Domingo, P/Corporal Romeo Guerrero Jr.; Patrolman Lester Velasco at Patrolman Eduardo Soriano II.

Ang mga ito ay inirekomendang sibakin sa serbisyo matapos na mapatunayan sa paglilitis  na guilty sa mga kasong grave misconduct, neglect of duty at conduct unbedo­ming of a police officer.

 Sinibak din sa puwesto ang kanilang hepe na si Police Lt. Col. Jovel de Guzman kaugnay ng usapin ng command responsibility.

Nakatakda namang isumite ng PNP-IAS kay PNP Officer in Charge  Police Lt. Col. Archie Gamboa ang nasabing rekomendasyon na siyang magpapataw ng pinal na desisyon.

Magugunita na noong Mayo 4, 2019 ay may pinarang sasakyan sa Antipolo City ang nasabing mga pulis nang hindi huminto ang nasabing behikulo ay sinundan ito ng mga parak at pagdating sa bahay ng mga biktima ay tinaniman ng droga saka nilimas ang mahahala­gang kagamitan.

Napagalaman din na sina De Guzman, Roque, Vital, Guerrero ay kasama sa 13 ninja cops na nag- operate sa maanomal­yang Pampanga drug raid noong 2013 na lumitaw sa imbestigasyon ng Senado.

vuukle comment

PNP-INTERNAL AFFAIRS SERVICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with