^

Police Metro

Militar nasilat ang bomb plot ng Sayyaf

Joy Cantos - Pang-masa
Militar nasilat ang bomb plot ng Sayyaf
Habang nagsasagawa ng clearing operation ay narekober ng K9 personnels ng tropa ng mga sundalo ang anim na IED na itinanim ng mga bandido.
File

MANILA, Philippines — Anim na improvised explosive device (IED) na itinanim ng mga ban­didong Abu Sayyaf Group sa kahabaan ng Basilan Circumferential Road, Brgy. Calang Canas, Maluso, Basilan ang narekober ng tropa ng militar.

Sinabi ni Major Arvin John Encinas, Spokesman ng AFP-Western Mindanao Command, bago ito ay nakatanggap ng report dakong ala-1:50 ng madaling araw ang Alpha Company ng Army’s 68th Infantry Battalion  hinggil sa presensya ng mga armadong bandido sa ilalim ng lider nilang si Furuji Indama na planong maghasik ng kaguluhan sa lugar.

Nagkaroon ng mainitang palitan ng putok  sa pagitan ng tropa ng mga sundalo at ng mga bandido na tumagal ng mahigit 30 minuto na pinaniniwalaang nalagasan ang puwersa ng mga bandido.

Habang nagsasagawa ng clearing operation ay narekober ng K9 personnels ng tropa ng mga sundalo ang anim na IED na itinanim ng mga bandido.

Patuloy ang hot pursuit operation ng tropa ng militar sa grupo ng mga ektremistang bandido na sangkot sa serye ng paghahasik ng terorismo.

vuukle comment

IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with