Gamboa, binalaan ang mga pulis vs suhol
MANILA, Philippines — Nagbabala si Philippine National Police (PNP) Officer–in-Charge Police Lt. Gen. Archie Gamboa sa mga pulis na tumanggap ng suhol.
Ang paalala ay ginawa ni Gamboa sa turnover ceremony ni Police Brig. Gen. Debold Sinas bilang bagong Commander ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Si Sinas ang siyang pumalit kay Police Major Gen. Guillermo Eleazar na na-pormote naman bilang bagong PNP Directorial Staff ang ikaapat na pinakamataas na posisyon sa PNP.
Bagaman hindi tinukoy ni Gamboa kung ano ang marching orders ni Pangulong Rodrigo Duterte ay tiniyak nito na makikita ng publiko ang pagbabago sa PNP sa mga susunod na araw.
Si Gamboa, ang pansamantalang OIC ng PNP matapos namang mag-avail ng Non Duty Status si PNP Chief Police General Oscar Albayalde kaugnay ng kontrobersya sa pagre-recycle ng ilegal na droga ng ilang mga tiwaling pulis.
- Latest