^

Police Metro

Quezon City encounter: 4 holdaper todas

Mer Layson - Pang-masa
Quezon City encounter: 4 holdaper todas
Sinisiyasat ng mga pulis ang bangkay ng dalawa sa apat na holdaper na napatay matapos umanong makipagbarilan nang sila ay makorner sa Payatas Road at San Jose St., Quezon City, kahapon ng madaling araw.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang apat na holdaper nang makipagbarilin sa mga pulis sa Payatas Road, Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Walang nakuha ang mga otoridad na anumang pagkakakilanlan sa apat na suspek.

Bago nangyari ang engkuwentro, dakong alas-2:30 ng madaling araw ay nakatanggap ng sumbong ang Batasan Police Station na hinol­dap ng apat na lalaki ang isang gasolinahan at isang convenience store sa Pa­yatas Road.

Agad na naglatag ng hot pursuit at dragnet operation ang mga otoridad at naispatan ng mga nagpapatrulyang pulis ng QCPD station 6 ang apat, base sa pag­lalarawan na ibinigay sa kanila ng gasoline boy.

Pinara ito ng otoridad at sa halip na huminto ay pinaharurot ang takbo ng kanilang mga motorsiklo at pinaputukan ang mga una.

Nakorner ng mga otoridad ang mga suspek at sa halip na sumuko ay nanlaban pa ang mga ito na nagresulta ng kanilang kamatayan.

Narekober sa mga suspek ang ninakaw na P12,000 cash at tatlong cellphone, apat na baril, mga bala at dalawang motorsiklo.

vuukle comment

HOLDAPER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with