^

Police Metro

DepEd: Christmas break na sa Disyembre 15

Mer Layson - Pang-masa
DepEd: Christmas break na sa Disyembre 15
Sinabi ni Education Spokesperson Undersecretary Nepomuceno Malaluan, kahit may mga naganap na class suspensions sa ilang lugar sa mga nakalipas na buwan ay hindi naman ito nakaapekto sa nakatakdang Christmas break ngayong taon.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Itinakda ng Department of Education (DepEd) ang Christmas break sa Disyembre 15, 2019 para sa mga estudyante sa kindergarten hanggang grade 12 students sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Mula sa DepEd Order 007 s. 2019, o ang School Calendar para sa School Year 2019-2020, inaatasan nito ang mga public schools na pagbakasyunin na ang kanilang mga estudyante sa Disyembre 15.

Sinabi ni Education Spokesperson Undersecretary Nepomuceno Malaluan, kahit may mga naganap na class suspensions sa ilang lugar sa mga nakalipas na buwan ay hindi naman ito nakaapekto sa nakatakdang Christmas break ngayong taon.

Sakali man umanong magkaroon ng adjustment ay localized lamang ito at ipinauubaya na ng DepEd sa mga regional, division at school level ang desisyon hinggil dito.

Nilinaw naman ni Education Undersecretary Analyn Sevilla na ang naturang department order ay para sa lahat ng public schools lamang.

Maaari aniyang hindi sumunod dito ang mga pribadong paaralan, dahil may sinusunod silang sariling school calendar.

vuukle comment

DEPARTMENT OF EDUCATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with