^

Police Metro

Albayalde makukuha ang retirement benefits

Mer Layson - Pang-masa
Albayalde makukuha ang retirement benefits
Si Albayalde, na bumaba na sa puwesto kahapon nakatakdang magretiro sa Nobyembre 8, pagtuntong sa mandatory retirement age na 56.
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Kahit pa nagpasya na mas maagang bumaba sa kanyang posisyon kahapon kasunod ng mga alegasyong prinotektahan umano niya ang kanyang mga tauhan, na inaakusahang nagre-recycle ng ilegal na droga ay makukuha pa rin ni Philippine National Police (PNP) chief, P/Gen. Oscar Albayalde ang kanyang full retirement benefits.

Ito ang sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, dahil wala namang kinakaharap na anumang kasong administratibo o kriminal si Albayalde, kaya’t walang dahilan upang ipagkait dito ang kanyang mga benepisyo, sa sandaling tuluyan na itong magretiro sa susunod na buwan.

Anya, maaari lamang na matanggalan si Albayalde ng retirement benefits o atasang ibalik ang kanyang pensiyon, kung sasampahan siya ng kaso at mapapatunayan siyang guilty ng hukuman dito, bilang bahagi ng due process.

Si Albayalde, na bumaba na sa puwesto kahapon nakatakdang magretiro sa Nobyembre 8, pagtuntong sa mandatory retirement age na 56.

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with