^

Police Metro

Dalaw tiklo sa bulalo con shabu

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang lalaking dalaw sa bilangguan ang ina­resto ng mga jailguard ng New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City, makaraang magtangkang ipuslit papasok sa bilangguan ang bulalo na may nakasiksik na limang pakete ng shabu, kahapon ng umaga.

Isinasailalim ngayon sa masusing interogasyon ng mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang inarestong suspek na inisyal na kinilala sa pa­ngalang “Glenn Dayrit”.
Sa ulat, napansin ng isang jailguard na tila may plastic sa loob ng isa sa buto ng baka sa bulalo na ipapasok ni Dayrit. 

Kaya’t mas sinuri ng mga bantay ang ulam at nadiskubre ang limang pakete ng shabu kaya’t agad itong inaresto.

Nabatid na nakatakdang ihatid ang ulam sa presong si Ron Dela Cruz sa maximum security compound. 

Nakumpiska rin ng mga jailguard ang ID na kaniyang dala na hinihinalang peke at isang sim card na isinasailalim ngayon sa pagsusuri para makumpirma kung sino ang kontak ni Dayrit.

Nabatid naman na apat na beses nang nakapaghatid ng ulam sa Bilibid si Dayrit at inaalam rin kung nakapagpuslit siya ng droga sa naturang mga pagkakataon.

vuukle comment

BUREAU OF CORRECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with