^

Police Metro

Ex-cop inutas ng riding in tandem

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay habang nila­lapatan ng lunas sa ospital­ ang isang retiradong pulis nang pagbabarilin ng riding­-in-tandem gunmen­ sa naganap na pananam­bang sa highway ng Brgy. Tomana West, Rosales, Pangasinan kahapon ng madaling araw.

Ang biktima na nasawi dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang­ si Danilo Macaraeg, 51, may-asawa, residente ng Brgy. Salvacion, Sto. Tomas, Pangasinan.

Sa ulat, bago nangyari ang pananambang dakong alas-2:10 ng madaling araw sa nasabing lugar ay minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo patungo sa silangang direksyon nang sumulpot ang isang motorsiklo lulan ang mga suspek at walang kaabog-abog na pagbabarilin ang biktima.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek nang matiyak na napuruhan ang biktima.

vuukle comment

RIDING­-IN-TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with