^

Police Metro

Misis inatado habang nagsasaing

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang ginang ang nasawi matapos pagsasaksakin ng isang kamag-anak habang nagsasaing sa kusina ng kanilang tahanan sa Purok-6, Brgy. Dagotdotan sa bayan ng San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte kamakalawa ng umaga.

Sanhi ng malalalim na saksak na tinamo sa iba’t-ibang bahagi ng katawan, dead-on-arrival sa pagamutan ang biktimang si Liezel Ricafort Oreo, 34-anyos; habang agad namang naaresto ng mga otoridad ang kaanak na suspek na si Lorilie Rocaboy Ricafort, 41-anyos, may asawa; pawang residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-10:40 ng umaga, habang nagsasaing si Oreo sa kanilang kusina ay pumasok ang suspek na armado ng kutsilyo at sa hindi malamang dahilan ay biglang pinagsasaksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima.

Agad na isinugod ang biktima sa ospital pero ’di na umabot nang buhay.

Naaresto naman agad ang suspek habang iniim­bestigahan na ang motibo ng pamamaslang.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with