^

Police Metro

Nanay tigok sa gulpi ng anak

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na nasikmura at natagalan ang sundot ng budhi ang karumal-dumal na ginawang pagpatay ng isang 39-anyos na binata sa mismong sarili niyang ina kung kaya’t kusa itong sumuko sa pulisya at inamin ang ginawang krimen kamakalawa ng umaga sa Brgy. Centro Occidental sa bayan ng Polangui, Albay.

Kalaboso ang suspek na si Andrew Sarte Encisa habang kasalukuyang nakaburol na ang ina nito si Marlene Sarte Encisa, 66-anyos; pawang residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga noong Oktubre 6, natagpuan ng kanilang boarder na si Princess Bation na walang malay ang biktima habang nakahiga sa kanyang kama at dahil hindi magising ay agad itong isinugod sa rural health unit sa bayan kung saan ideneklarang dead-on-arrival.

Gayunman, habang nakaburol ang ina ay nakunsensiya ang suspek dahilan para magtungo ito sa police station at ina­ming siya ang nakapatay sa kanyang nanay.

Ayon sa suspek, nagkaroon umano sila nang pagtatalo ng ina hanggang masampal niya at mabugbog sa ibat-ibang bahagi ng katawan dahilan para ito masawi.

Sinampahan na ng kasong parricide sa Provincial Prosecutor’s Office sa Ligao City ang suspek.

vuukle comment

ANDREW SARTE ENCISA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with