Polio mass vaccination aarangkada na
MANILA, Philippines — Sa Lunes na isasagawa ng Department of Health (DOH) ang mass vaccination laban sa polio.
Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque, kasama sa mass vaccination ang monovalent vaccines para sa type 2 polio virus.
Ang gagamiting bakuna ay galing sa World Health Organization (WHO) headquarters sa Switzerland.
Tinatarget na mabakunahan ang mga bata edad 5 pababa sa Metro Manila, Laguna, Marawi City, Lanao del Sur, Davao City at Davao del Sur.
Ang door to door supplemental vaccination ay tatagal hanggang sa ika-27 ng Oktubre, Linggo.
- Latest