^

Police Metro

4 drug pusher utas sa buy-bust

Joy Cantos, Omar Padilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Napatay ng mga oto­ridad ang apat pinag­hihinalaang mga drug pusher nang manlaban umano ang mga ito sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa lalawigan ng Bulacan kamakalawa at kahapon ng umaga.

Kinilala ang da­lawang napatay na suspect sa anti-drug ope­ra­­tion sa San Jose del Monte City, Bulacan na sina Justin Sy at Jonathan Anonuevo. Habang sa Brgy. Maasim, San Ildefonso ay napatay si Ferdinand Inducil alyas Longhair, 40 at Michael Kristan Dandan na napatay sa Brgy. Gaya-gaya San Jose Del Monte.

Sa San Jose del Monte City, alas-7:45 ng gabi noong Mi­yerkules ay nakipagtransaksyon ang mga operatiba kina Sy at Anonuevo sa Brgy. Sto. Cristo.

Habang isinasagawa ang operasyon ay nakahalata ang mga suspek na undercover agent ng pulisya ang kanilang ka-transakyon.

Bumunot ng baril ang mga suspect at pinaputukan ang mga operatiba na nauwi sa shootout na ikinasawi ng mga ito.

Pitong sachet ng shabu, dalawang improvised shotgun at mga basyo ng bala.

Sa San Ildefonso ay kumasa umano sa mga operatiba si Inducil at nagkaroon ng ilang mi­­nutong putukan na siyang ikinasawi nito.

Narekober sa lugar ang 9 sachet ng shabu, isang cal 23 revolver na may lamang bala, mga basyo ng bala ng cal 9 MM at buy bust money.

vuukle comment

ILLEGAL NA DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with