^

Police Metro

Lumayang drug pusher nabumalik sa dating gawi, napatay

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa halip na magbagong buhay simula nang lumaya sa kasong droga ang isang lalaki, may dalawang buwan na ang nakakalipas ay bumalik ito muli sa pagiging drug pusher at napatay sa buy-bust operation kahapon ng mada­ling araw sa Mayor’s Drive, Brgy. Dela Alas, General Mariano Alvarez (GMA), Cavite.

Ang nasawing suspek ay kinilalang si Perk Lebrojo, 38, residente ng  B7, L11, Brgy. Pob. 2, GMA, Cavite. 

Sa ulat, alas-12:15 ng madaling araw nang magsagawa ng drug buy-bust operation ang mga otoridad laban sa suspek na dalawang buwan pa lamang nakakalaya sa kasong drug pushing.

Nakatunog ang suspek na pulis ang katransaksiyon kaya’t ito ay kanyang sinipa at binaril, subalit nakasuot ng bullet proof vest.

Nagtatakbo ang suspek hanggang sa ito ay makorner at sa halip na sumuko ay nanlaban ito kaya’t napatay.

Nakuha ang  3 piraso ng  P100.00 na marked money, 4 na plastic sachet na may lamang  shabu, 2 plastic sachet na may lamang marijuana at 9MM caliber at mga bala.

vuukle comment

ILLEGAL NA DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with