Buy-bust: 2 Chinese, 2 Pinoy tiklo sa P170-M shabu
MANILA, Philippines — Naaresto ng QCPD at PDEA ang apat na katao kabilang ang dalawang Chinese sa magkasunod na buy-bust operation sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang mga nadakip na Chinese na sina Liu Fu Gui, 35, Hongbo He, 45;at dalawang Pinoy na sina Keith Anthony Romo, call center programmer at Nonito Garundo.
Si He ay nadakip,alas-7:45 ng gabi sa tapat ng Quezon Heritage House, Quezon City Memorial Circle at nakumpiskahan ng 15-kilo ng droga habang sina Gui, Romo at Garundo ay nadakip kanto ng Sta. Catalina kanto ng Sto. Domingo sa Brgy. Sienna, at nabawi sa kanila ang 10 kilo ng shabu.
Bukod sa droga ay nabawi rin mula sa mga suspek ang kulay pulang Mitsubishi Galant (UDJ-276); pulang Honda Civic (WPD-697); at Toyota Grandia (UGI-688) na gamit sa kanilang drug operation.
- Latest