^

Police Metro

12 ninja cops ‘kinahon’ sa Crame

Joy Cantos - Philstar.com
12 ninja cops �kinahon� sa Crame
Ayon kay PNP Spokesman P/Brig. Gen. Bernard Banac, na lahat ng mga sangkot sa Pampanga drug raid maliban kay Police Colonel Rodney Baloyo na isinasangkot sa drug recycling ng ilegal na droga na nakakulong sa Bureau of Corrections.
The STAR/Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Upang maihanda ang 12 ninja cops sa isasagawang muling imbestigasyon sa pagrerebisa ng kaso ng mga ito ng tanggapan ng Department of Justice (DOJ) at Department of Interior and Local Government (DILG) ay isinailalim na ang mga ito sa kustodya ng Police Holding and Acconting Unit (PHAU) sa Camp Crame.

Ayon kay PNP Spokesman P/Brig. Gen. Bernard Banac, na lahat ng mga sangkot sa Pampanga drug raid maliban kay Police Colonel Rodney Baloyo na isinasangkot sa drug recycling ng ilegal na droga  na nakakulong sa Bureau of Corrections (BUCOR).

“Ang lahat ng nataguriang ninja cops ay napapailalim ngayon sa ating Personnel and Holding Accounting Unit dito sa National Headquarters ng Crame,” ani Banac.

Ayon kay Banac ang nasabing mga ninja cops ay ipinatawag sa PNP sa Camp Crame upang matiyak na maihaharap ito sa imbestigasyon.

Si Baloyo ay ipina-contempt ng Senado  dahilan sa hindi umano pagsasabi ng katotoha­nan sa isyu ng drug raid.

Si Baloyo at 12 pang pulis ay nasangkot sa anti-drug operation noong 2013 sa Pampanga  kung saan ang nasabing mga ninja cops ay pinatakas umano ang drug lord na si Johnson Lee kapalit ng ­P50-M habang sa 200 kilo ng droga na nakumpiska ng mga ito ay 38 kilo lamang ang idineklara.

Nadismis sa puwesto ang mga tiwaling parak pero ang kaparusahan para sa mga ito sa halip na mapatalsik sa serbis­yo ay ginawa lamang ­demonsyon sa ranggo  matapos na magsumite ng Motion for Reconsi­deration noong Marso 14, 2016.

vuukle comment

DEPARTMENT OF JUSTICE

NINJA COPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with