^

Police Metro

Gobyerno bumili ng P2 bilyong jet para kay Duterte, senior government officials

Rudy Andal - Philstar.com
Gobyerno bumili ng P2 bilyong jet para kay Duterte, senior government officials
Ayon pa kay Panelo, si Defense Sec. Delfin Lorenzana ang nakikipag-negosasyon para sa pagbili ng nasabing aircraft.

MANILA, Philippines — Sa nalalapit na araw ay magbibiyahe na si ­Pangulong Rodrigo Duterte gamit ang isang jet na gawang Estados Unidos na nagkakahalaga ng P2 bilyon.

Sinabi  ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa media briefing sa Malacañang, hindi maituturing na isang luxury ang pagbili ng presidential plane na dahil magagamit ito na ‘command and control’ na magagamit din ng mga senior government officials sa oras ng krisis.

Ayon pa kay Panelo, si Defense Sec. Delfin Lorenzana ang nakikipag-negosasyon para sa pagbili ng nasabing aircraft.

Inaasahang darating ang nasabing 10-seater na presidential aircraft na nagkakahalaga ng $39.9 milyon US o tinatayang P2 bilyon sa kalagitnaan ng 2020.

Ang kapasidad ng G280 aircraft ay kaya nitong lumipad ng 8 oras na non-stop.

Sa kasalukuyan ay chartered flight lamang ng Philippine Air Lines (PAL) ang sinasakyan ng Pangulo tulad ng huling biyahe nito patungong Russia habang noong presidential campaign naman ay pinapahiram lamang siya ng kanyang kaibigang si Pastor Apollo Quiboloy ng aircraft nito.

 Ang 1970 era na presidential plane na Fokker F28 ay kasalukuyang sumasailalim ng maintenance sa Malaysia.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with