^

Police Metro

3 SHS student na sakay ng motorsiklo, sumalpok sa puno

Cristina Timbang - Philstar.com

MANILA, Philippines — Namatay ang isang estudyante habang ang dalawa nitong kaklase ay nasa kritikal na kalagayan nang sumalpok sa puno ang sinasakyan nilang motorsiklo sa kahabaan ng Silang Road, Silang, Cavite, kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi ay kinilalang si John Rey Erci, 20, Senior High Student ng Tagaytay City Science National High School, ng Brgy. Ulat, Silang, Cavite.

Inoobserbahan sa ospital ang dalawa nitong kaklase na sina Gerald Tamundong, 17, ng Brgy. Puting Kahoy, Silang at John Michael Paulino, 19, ng Brgy. Iruhin Central Tagaytay City, Cavite.

Sa ulat, alas-8:30 ng gabi ay mabilis na minamaneho ni Erci ang motorsiklo at sakay sina Tamundong at Paulino nang ito umano ay nag-overtake.

Hindi na nakontrol ni Erci ang motorsiklo kaya tuluy-tuloy itong sumalpok sa isang ma­laking puno na nasa gilid ng kalsada.

vuukle comment

JOHN REY ERCI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with