^

Police Metro

Ganap na pagbabago para sa San Juan

Mer Layson - Philstar.com

MANILA, Philippines — Ganap na pagbabago sa lahat ng.mga empleyado at ang mga nakagawiang korapsiyon sa nakaraang administrasyon ay dapat nang matuldukan.

Ito ang mensahe sa State of the City Address ni San Juan City Mayor Francis Zamora kahapon para sa kanyang unang 100-days na panunungkulan.

Ang mensahe ni ­Mayor Zamora sa lahat ng kawani sa kanilang pamahalaang lungsod ay bunga ng kanilang natuklasang mga katiwalian sa nagdaang administrasyon, tulad ng empleyadong gumamit ng sasakyan ng gobyerno upang kumita ng personal sa paghakot ng gamit ng isang restoran.

Bilang pagtiyak para malaman ang pondo ng kanilang pamahalaang lungsod ay humiling sa Commission on Audit (COA) at lumabas sa pagsisiyasat na ang kanilang pamahalaan ay nasa kalahating bilyong piso ang utang.

Mayroon pang mga nagpagamot sa San Juan Medical Center na ang binayaran at niresibuhan na halaga ay mas malaki sa aktuwal na halagang sinusulat sa triplicate copy ng resibo na isinusumite sa pamahalaang lungsod.

Sa tala naman ng Business Permit and Licensing Office na mayroong 491 na mga negosyong rehistrado sa lungsod na ang kanilang deklarasyon ay zero sales.

Isang halimbawa ay may isang negosyo na narehistro noong 2002 at mula noon sa loob ng 17 taon ay zero ang declared sales sa lahat ng kanyang mga negosyo.

vuukle comment

FRANCIS ZAMORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with