^

Police Metro

Karambola ng anim na sasakyan: Lady rider utas

Mer Layson - Pang-masa
Karambola ng anim na sasakyan: Lady rider utas
Ang biktima ay kinila­lang si Grace Ann Pajemago, 26, ng 853 Guinhawa Street, Barangay Barangka Drive, Mandaluyong City.
File

MANILA, Philippines — Todas ang isang lady rider nang maipit sa karambola ng anim na sasakyan sa Barangay Barangka Drive, Mandalu­yong City kahapon ng umaga.

Ang biktima ay kinila­lang si Grace Ann Pajemago, 26, ng 853 Guinhawa Street, Barangay Barangka Drive, Mandaluyong City.

Batay sa ulat ng Mandaluyong City Police, dakong alas-8:15 ng umaga nang maganap ang karambola sa eastbound lane ng Shaw Boulevard, kanto ng Sheridan Street, Mandaluyong City, na kinasangkutan ng anim na behikulo.

Bago ang aksidente ay nawalan umano ng preno ang passenger jeepney na minamaneho ni Wilfredo Paylan sa EDSA Shaw Flyover patungong Pasig at bumangga sa iba pang behikulo.

Nabundol din ng jeep ang biktima at naipit sa isang Sports Utility Vehicle (SUV) na nagresulta sa pagkamatay nito. 

Nagdulot naman ng pagsisikip ng daloy sa lugar ang naturang aksidente.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with