^

Police Metro

8 patay, 2 sugatan Rebelde at terorista nagsagupa

Joy Cantos - Pang-masa
8 patay, 2 sugatan Rebelde at terorista nagsagupa
Kinilala ang mga nasawing MILF member na sina Datunot Mosbil, Jomar Balabagan, Tongan Guiamadil, Kebu Edza, Kulim Edza, Laguiali Ali at Mads Maitem.
File

MANILA, Philippines — Pitong miyembro ng rebeldeng Moro Islamic Li­beration Front (MILF) at isang kasapi ng Dawlah Islamiyah (DI), isang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) inspired terro­rists,  ang napaslang makaraang magkasagupa ang dalawang grupo sa liblib na bahagi ng Brgy. Dasawao, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawing MILF member na sina  Datunot  Mosbil, Jomar Balabagan, Tongan Guiamadil, Kebu Edza, Kulim Edza, Laguiali Ali at Mads Maitem.

Patuloy namang inaalam ang pagkakakilanlan sa isa pang ‘di pa nakilalang miyembro ng DI terrorist group na napatay din sa bakbakan.

Ang mga nasugatang MILF ay nakilala namang sina Mohajid Makalanga at Ranggay Kusain.

Bandang alas-10:20 ng umaga, ayon kay Major John Alvin Encinas, nang magkasagupa ang MILF  national guard  sa pamumuno ni George Kasim, Division Commander ng Bangsa Islamic Armed Forces (BIAF) at ang grupo ng  DI terrorists na pinamumunuan naman ni Salahuddin Hassan sa liblib na bahagi ng nasabing lugar.

Nabatid na nagkrus ang landas ng MILF national guard at ng DI terrorists sa nasabing lugar na nagresulta sa umaatikabong bakbakan ng magkabilang panig.

Napilitan namang magsiatras ang nasa 20 armadong DI terro­rists sa pangambang abutan ng reinforcement troops ng MILF.

Nabatid kay Lt. Colonel Arnold Santiago ng Maguindanao Police na ang bangkay ng mga nasawing MILF ay kinuha na ng kanilang mga pamilya.

vuukle comment

MILF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with