Duterte: 2 heneral sangkot sa drug trade
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang forum sa Sochi, Russia na may dalawang aktibong heneral ang sangkot sa illegal drug trade.
“And right now, even as I fly here and go back. There are about again two generals who are still playing with drugs,” wika ni Pangulong Duterte sa Valdai forum sa Sochi na dinaluhan ng world leaders, Russian officials, policymakers, international experts, academicians at journalists gayundin ni Russian President Vladimir Putin.
Hindi naman pinangalanan ni Pangulong Duterte ang dalawang heneral at kung ito ay sa pulis o militar.
Ginawa ng Pangulo ang pagbubunyag sa gitna ng kontrobersya na isinasangkot si PNP chief Oscar Albayalde sa 2013 Pampanga anti-drug controversy na iniimbestigahan ng Senado.
Iginiit ng Pangulo sa forum na hindi lamang drug traffickers ang kanyang kalaban sa drug war kundi maging ang mga government officials na sangkot sa illegal drug trade at inilunsad niya ang drug war sa kanyang pag-upo noong 2016 upang protektahan ang mamamayan.
“And I said, ‘Well, I told you do not destroy my country because it is being flooded with drugs,’” wika pa ng Pangulo.
- Latest