^

Police Metro

‘Wag idismis ang ‘ninja cops’

Malou Escudero - Pang-masa
�Wag idismis ang �ninja cops�
Si Albayalde, na noon ay Pampanga police chief, ay sinibak sa kanyang puwesto dahil sa kuwestiyo­nableng anti-drug ope­ration ng kanyang mga tauhan noong Nob­yembre 2013 sa bayan ng Mexico, Pampanga.
Geremy Pintolo

Albayalde sinabihan si Aquino...

MANILA, Philippines — Direktang inihayag kahapon sa senate hearing ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director Aaron Aquino na siya ay sinabihan ni Philippine National Police (PNP) Director General Oscar Albayalde na huwag isagawa ang dismissal order laban sa 13 pulis Pampanga na tinaguriang “ninja cops” na inakusahang nag-recycling ng droga mula sa nakumpiskang shabu sa isinagawa nilang drug operation noong 2013.

Ito ang pag-amin kahapon ni Aquino at ang pakiusapang ito ay nangyari nang siya ay Central Luzon police chief habang si Albayalde noong panahon na iyon ay NCRPO police chief.

 “I wish to explain my statement yesterday that Gen. Albayalde called me up to know the status of the case…He also added, ‘sir baka puwede huwag mo munang i-implement ang order,”  wika ni Aquino.

Sa pagpapatuloy nang pagdinig kahapon ng komite ni Senator Richard Gordon, binasa ni Aquino ang kanyang statement kung saan iginiit niyang tinawagan siya ni Alba­yalde noong 2016 tungkol sa kaso.

“Sir, baka puwedeng ‘wag mo munang i-implement ang order.  I asked him ‘bakit, Oca’,” sabi ni Aquino. 

Sumagot umano si Albayalde na “kasi mga tao ko sila,” salaysay ni Aquino.

Sinabihan ni Aquino si Albayalde na ipapa-review niya ang kaso at ipapatapon sa Mindanao ang mga sangkot na pulis.

Nauna nang isiniwalat ni dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Chief at ngayon ay Baguio City Mayor Benjamin Ma­galong na inamin sa kanya ni Aquino ang ginawang pagtawag ni Albayalde.

Si Albayalde, na noon ay Pampanga police chief, ay sinibak sa kanyang puwesto dahil sa kuwestiyo­nableng anti-drug ope­ration ng kanyang mga tauhan noong Nob­yembre 2013 sa bayan ng Mexico, Pampanga.

Ibinaba ang order noong 2016 pero naghain ng motion for reconsi­deration ang 13 pulis na kinabibilangan nina Superintendent Rodney Raymundo Baloyo IV; Senior Inspector Joven de Guzman Jr.; Senior Police Officer 1 Jules Maniago; Senior Police Officer 1 Donald Roque; Senior Police Officer 1 Ronald Santos; Senior Police Officer 1 Rommel Vital; Senor Police Officer 1 Alcindor Tinio; Senior Police Officer 1 Eligio Valeroso; Police Officer 3 Dindo Dizon; Police Officer 3 Gilbert De Vera; Police Officer 3 Romeo Guerrero Jr.; Police Officer 3 Dante Dizon; at Police Officer 2 Anthony Lacsamana.

Bagaman at inamin ni Albayalde na tinawagan niya si Aquino pero iginiit nito na wala siyang intensiyon na impluwensiyahan ito at nais lamang niyang malaman ang status ng kaso.

vuukle comment

AARON AQUINO

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with