^

Police Metro

‘Wag pagtakpan ang mga abusadong pulis -- Bong Go

Pang-masa

MANILA, Philippines — “Huwag pagtakpan ang kalokohan ng inyong mga tauhan”.

Ito ang naging babala ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go sa mga opisyal ng Philippine National Police­ (PNP) bago ito tumulak patungo ng Russia kasama ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ginawa ni Go ang babala sa kasagsagan ng senate inquiry sa “ninja cops” na sentro sa naturang imbestigasyon si PNP Chief Oscar Albayalde.

“Ang dapat gawin ng mga opisyal ng PNP ay disi­p­linahin at sibakin ang mga loko-loko nilang tauhan”, ani Sen. Go.

Dapat, anya ay huwag ilipat ng assignment sa halip ay tanggalin sa hanay ng PNP ang mga scalawag na pulis, lalo na ‘yung mga sabit sa extortion at droga.

Sa senate inquiry ay lumalabas na hindi nasibak kundi nalipat lang ng assignment ang mga “ninja cops” noong PNP Director pa ng Pampanga si Albayalde.

Si Albayalde ang sinisisi ngayon kung bakit dumami pa ang mga “ninja cops” sa halip na masugpo at malipol.

vuukle comment

LAWRENCE GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with