Birthday boy, tinodas ng pamangkin
MANILA, Philippines — Isang 27-anyos na construction worker ang pinagsasaksak ng kanyang pamangkin sa gitna ng kanilang inuman bilang selebrasyon ng kaarawan nito kamakalawa ng gabi sa kanilang bahay sa Purok-4, Brgy. San Ramon, Daraga, Albay.
Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Legazpi City dahil sa malalim na saksak sa likod ay kinilalang si Reymark Felicia Sevilla.
Ang suspek na tumakas ay kinilalang si Jericho Aquino Sevilla, 22, pawang residente ng nasabing barangay.
Sa ulat, alas-8:00 ng gabi ay nag-iinuman ang biktima at ilang kaanak at kaibigan kasama ang suspek bilang bahagi ng kanilang birthday celebration nang magkaroon ng pagtatalo ang kakambal ng biktima na si Raymund at Carlo.
Sa gitna nang pagtatalo ay pumagitna ang biktima para sawayin ang kanyang mga kapatid pero aksidenteng nasuntok nito si Aquino.
Nagalit si Aquino at umuwi sa kanilang bahay at pagbalik ay armado na ng patalim at biglang inundayan ng saksak sa likod ang tiyuhin.
- Latest