^

Police Metro

5,200 preso namamatay taun-taon sa NBP maximum compound

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kada taon ay umaabot sa 5,200 na preso sa maximum security compound ng New Bilibid Prison ang namamatay.

Ito ang inamin kahapon ng director ng NBP Hospital na si Supt. Ernesto Tamayo sa senate hearing kahapon.

Ayon kay Supt.Tamayo, 20 porsiyento ng  kabuuang populasyon sa maximum security compound na 26,000 ang naitalang namamatay sa sakit na pulmonary tuberculosis o TB dahil sa “over crowding”.

Sa senate hearing ay ipinaalala ng mga senador kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde ang kanyang sinabi na noong 2017 na 26 na bilanggo ang namatay sa loob ng kulungan sa loob lamang ng anim na buwan.

Ang mga namatay na inmates ay nakakulong sa mga police stations na nagsiksikan dahil sa tuminding kampanya laban sa ilegal na droga.

Kalimitan aniya ay 60 lamang ang capacity ng isang kulungan pero pinagkakasya ang nasa 200 preso.

vuukle comment

NEW BILIBID PRISON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with