^

Police Metro

2 patay, 30 sugatan sa Manila City Jail riot

Ludy Bermudo - Pang-masa
2 patay, 30 sugatan sa Manila City Jail riot
Nakaalerto at armado ng matataas na uri ng baril ang mga miyembro ng BJMP matapos ang nangyaring riot ng magkalabang grupo sa Manila City Jail na ikinasawi ng dalawang preso at pagkasugat ng 30 iba pa kahapon.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Dalawang preso ang nasawi habang mahigit 30 ang nasugatan nang sumiklab ang riot ng magkalabang grupo ng Batang City Jail (BCJ) at Sigue-sigue Sputnik Gang sa loob ng Manila City Jail, sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng umaga.

Ang mga nasawi habang dinadala sa ospital ay kinilalang sina Lito Escala, 39, residente ng no. 1321 Alinyan St., Moriones, Tondo at Alvin Royo, 37, ng no. 1165 Panganiban St., Sta. Mesa, Maynila. Habang ang mga nasu­gatan ay ginagamot sa MCJ Infirmary  Clinic.

Sa ulat, dakong alas-6:28 ng umaga nang magsimula ang riot ng magkalabang gang sa loob ng Dormitory 11 at 12, kung saan nakapiit ang mga bilanggong kaanib ng iba’t ibang grupo.

Nag-ugat ang riot nang magtalo sa higaan ang dalawang inmate na magkaiba ang grupo sa loob ng selda.

Wala naman umanong ginamit na armas o patalim, kundi suntukan at paluan lamang ang riot na nagtagal lang ng mahigit 10 minuto.

vuukle comment

MANILA CITY JAIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with