^

Police Metro

PDEA: ’Ninja liit, volt-in’ cops sangkot sa drug recycling

Joy Cantos - Pang-masa
PDEA: �Ninja liit, volt-in� cops sangkot sa drug recycling
Nabatid na sa drug list ni Pangulong Rodrigo Duterte ay umaabot sa 854 pulis ang sangkot sa pagbebenta at paggamit ng illegal na droga bukod pa sa pagbibigay proteksyon sa mga drug traffickers kung saan sa kasalukuyan ay nasa 22 na lamang mga ‘ninja cops ‘ ang mga aktibo pa sa serbisyo na minomonitor ng Philippine National Police.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Ibinunyag kahapon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na bukod sa mga tinaguriang “ninja cops” na nagre-recycle ng illegal drugs ay may dalawa pang grupo sa PNP at ito ay ang “ninja liit” at “volt in” na sangkot din sa mga illegal na aktibidades.Ang mga ninja cops ay pumapasok sa malakihang target ng droga na aabot sa P20 milyon, habang ang grupo ng “ninja liit” ay maliitang operation lamang.

“’Pag may maliliit na operation na hindi dinaa­nan ng ninja cops, iyong mga ninja liit ang titira... Ninja cops, ayaw muna tirahin ang P3 million, parang naliliitan. Sasabihin, palakihin natin muna, gawin nating P20 million”,wika ni PDEA Director General Aaron Aquino.

Habang ang grupong “volt in” ay target lang ang maliitang drug operations na ang mga miyembro ng magkakaibigan at mga da­ting kaklase.

“Nagkikita [sila] para lang gumawa ng krimen at ang puntos dito pera-pera lahat, na ang kanilang grupo ay hango sa isang anime na Voltes V na kung gustong magsasama ay sisigaw ng “lets volt in”, wika pa ni Aquino.

Nabatid na sa drug list ni Pangulong Rodrigo Duterte ay umaabot  sa 854 pulis ang sangkot sa pagbebenta at paggamit ng illegal na droga bukod pa sa pagbibigay proteksyon sa mga drug traffickers  kung saan sa kasalukuyan ay nasa 22 na lamang mga ‘ninja cops ‘ ang mga aktibo pa sa serbisyo na minomonitor ng Philippine National Police (PNP).

vuukle comment

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with