120 uri ng gamot babawasan ng presyo
MANILA, Philippines — Batay sa ilalim ng maximum drug retail price (MDRP) ay pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) ang pagbawas sa presyo ng 120 uri ng gamot.
Sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo na ang matataas na presyo ng mga gamot ay nakaaapekto sa kalusugan ng maraming Filipino.
Kaya’t naglabas ang DOH ng listahan ng 120 na mamahaling gamot para sa hypertension, diabetes, sakit sa puso, chronic lung diseases, chronic renal disease, cancer, psoriasis at rheumatoid arthritis.
Ani, Domingo, sa pagbaba ng presyo, hindi naman pababayaang malugi ang mga pharmaceutical company.
Sa ilalim ng MDRP, inaasahang magkakaroon ng average price reduction na 56 porsyento ang mga piling gamot sa merkado.
Ayon kay Dr. John Wong, chairman ng Drug Price Advisory Council, ang 120 na gamot ay napili para mabawasan ang presyo base sa average prices sa southeast Asian countries.
- Latest