^

Police Metro

4 miyembro ng Abu Sayyaf nadakip

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang apat na mi­yembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa isinagawang operasyon sa Baliwasan Grande, Zamboanga City, kahapon ng madaling araw.

Ang mga nasakoteng suspek ay kinilalang sina Aljiver Habibula, 35; Omar Julaspih, 22; Rody Marail, 3 6; at Nash Amik, 3 2, pawang mga taga Sulu.

Sa ulat, bago nasakote ang mga suspek bandang alas-3:00 ng madaling araw sa isinagawang ­operasyon sa Mangal Drive, Baliwasan Grande ay nakatanggap ng report ang mga otoridad hinggil sa presensya ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa lugar.

Mabilis na nagresponde ang mga operatiba at nakorner ang mga suspek at hindi nanlaban ang mga ito.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang apat na electric blasting caps, limang 40 MM bala, detonating cord, 500 ml transpa­rent plastic container, triggering device, electrical tape, magnetic wire, kawayan na naglalaman ng ammonium nitrate at isang Q-net cellphone at 19 piraso  ng cal 5.56 MM.

vuukle comment

ABU SAYYAF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with