^

Police Metro

Dragon Boat lumubog: 8 miyembro nalunod

Joy Cantos, Doris Franche-Borja - Pang-masa
Dragon Boat lumubog: 8 miyembro nalunod
Ayon sa isang survivor, nasa layong 300 meters mula sa dalampasigan ng Tulubhan nang pasukin ng tubig ang kanilang 20-seater na dragon boat.
PCG/Released

MANILA, Philippines — Nasawi ang walong miyembro ng Dragon Boat team habang 13 ang nasagip makaraang aksidenteng lumubog ang bangkang sinasakyan nila sa karagatan ng Boracay Island, Brgy. Manoc-Manoc, Malay, Aklan kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina Mark Vincent Navarete; Omar Arcob; Maricel Tan; Yohan Tan; Richel Montoya; Antonette Supranes; John Vincent Natividad; at Von Navarosa.

Habang ang mga nasagip ay kinilalang sina Mark Baccay; Jaylord Violanda; Rober Licerio; Marc Sabado; Kenneth Bandalan; Julia Kurbaniizova; Maggie Xie; Xhen Antonia; Lani Ordas; Janice Lumbo; Jao Buenaventura; at Edwin Paradas.

Sa ulat, bago nangyari ang trahedya, alas-7:00 ng umaga ay sakay ang mga biktima na pawang miyembro ng Boracay Dragon Boat team ng kanilang bangka at naglalayag sa nasabing karagatan bilang pagsasanay sa nalalapit na international competition nang balyahin ng malalaking alon  at ihip ng hangin ang kanilang bangka hanggang sa lumubog.

Ayon sa isang survivor, nasa layong 300 meters mula sa dalampasigan ng Tulubhan nang pasukin ng tubig ang kanilang 20-seater na dragon boat.

Ang ilan sa kanila ay kumapit sa lumulubog na bangka habang ang iba ay pinilit na lumangoy pabalik sa dalampasigan.

Mabilis na nagresponde sa lugar ang rescue team ng Philippine Coast Guart (PCG) at pulisya at nasagip ang 13 miyembro habang minalas namang bawian ng buhay ang 8.

vuukle comment

DRAGON BOAT TEAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with