^

Police Metro

Misis minartilyo ng selosong lover

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 39-anyos na misis ang nasawi matapos na martilyuhin ang kanyang ulo ng kinakasamang lalaki sa loob ng kanilang bahay sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Ang biktima na idineklarang dead on arrival sa Tondo Medical Center ay kinilalang si Concepcion ‘Connie’ Romero, nakatalaga sa Ordinance Violation Receipt (OVR) ng Manila City Hall at residente ng 206 A.Mirasol St., Balut Tondo.

Tumakas naman ang suspek na si Roderick Capulong, 37.  

Sa ulat ng pulisya, bago nangyari ang krimen ay dumating ang suspek dakong alas-2:40 ng madaling araw at dito ay ginising ang biktima upang komprontahin tungkol sa nababalitaan nitong may iba itong lalaki.

Pinabulaanan naman ito ng biktima na hindi pinaniwalaan ng suspek hanggang sa magkaroon ng sigawan at pagtatalo na kung saan ay nagising ang anak na 16-anyos ng biktima.

Dito ay kumuha ng martilyo ang suspek at pinagpapalo ang ulo ng biktima na nasaksihan ng anak.

Nang bumulagta ang biktima dahil sa pagkabasag ng kanyang bungo ay mabilis na tumakas ang suspek.

Naglabas naman ng manhunt operation si Manila Mayor Isko Moreno laban kay Capulong kasabay ng pagpapalabas ng reward na P100,000 reward sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa kina­roroonan nito.

vuukle comment

MINARTILYO NG SELOSONG LOVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with