2 NPA rebels dedo sa engkuwentro
MANILA, Philippines — Dead on the spot ang dalawa umanong miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) nang makaengkuwentro ang tropa ng militar kahapon ng umaga sa lalawigan ng Catanduanes.
Sa ulat ni Lt. William Hiponia, commander ng 83rd Infantry Battalion ng Philippine Army (PA) ay nagkaroon ng combat operation ang pinagsamang elemento ng kapulisan at mga sundalo dakong ala-1:00 ng madaling araw sa Barangay Taopon nang makaengkuwentro ang may 7 miyembro ng teroristang grupo.
Umabot sa 10 minuto ang palitan ng putok sa pagitan ng dalawang grupo na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang hindi pa nakikilalang rebelde.
- Latest