^

Police Metro

8 coast guard men guilty sa Taiwanese fisherman killing

Doris Franche-Borja - Pang-masa
8 coast guard men guilty sa Taiwanese fisherman killing
Kinokunsulta ng mga Philippine Coast Guard (PCG) personnel na nahatulang guilty sa kasong pagpatay sa isang Taiwanese fisherman noong 2013 ang kanilang aboga-do.Pinayagan sila ng korte na makapaglagak ng piyansa.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Walong tauhan ng Phi­lippine Coast Guard (PCG) ang hinatulang ‘guilty’ ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 15 matapos mapatunayang nagkasala sa pagkamatay ng isang Taiwanese ­fisherman sa Balintang Channel noong 2013.

Ang walong akusado na hinatulan ni Judge ­Eduardo Ramon Reyes ng 8 hanggang 14 na taong pagkakabilanggo makaraang mapatunayang may sala sa pagkamatay ni Hong Chi Sheng sa karagatang sakop ng Batanes, noong Mayo, 2013 ay kinilalang sina Commander Arnold dela Cruz; Seaman Second Class Nicky Aurelio; Seaman First Class Edrando Aguila; Seaman First Class Mhelvyn Bendo II; Seaman First Class Andy Gibb Golfo; Seaman First Class Sonny Masangkay; Seaman First Class Henry Solomon; at Petty Officer Richard Corpuz.

Ayon sa depensa ng mga nasasakdal na self defense ang insidente nang paputukan nila ang Taiwanese fishing vessel na Kuang Ta Hsing No. 28 sa Balintang Channel sa Batanes.

Nabatid na binangga ng nasabing vessel na may sakay na tatlong Taiwa­nese at isang Indonesian ang PCG patrol boat.

Giit naman ng mga akusado, walang makakapagturo na sila ang res­ponsable sa pagkamatay ni Sheng.

Ngunit sa testimonya ng mga Taiwanese bigla na lamang silang pinaputukan ng Coast Guard ng walang anumang abiso.

Magugunitang naging dahilan ang insidente ng pagkakaroon ng lamat sa relasyon ng Pilipinas sa Taiwan dahil sa pagkamatay ng naturang Taiwanese fisherman.

Naalis lamang ito nang humingi ng tawad ang Philippine government sa Taiwan at nagsampa ng kaso ang NBI laban sa walong akusado.

vuukle comment

TAIWANESE FISHERMAN KILLING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with