^

Police Metro

Lolo nag-viagra, tigok sa loob ng hotel

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang senior citizen ang nasawi matapos atakehin sa puso dahil umano sa ininom nitong ‘pampagana’ sa pakikipagtalik habang nasa loob ng isang hotel sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Eduardo Bulseco, 62-anyos, at residente ng Basilio St., Sampaloc, Maynila.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong ala-1:50 ng hapon sa isang silid sa Anna’s Lodge 2, sa Florentino Torres St., sa nasabing lugar.

Pumasok umano sa nasabing hotel ang biktima kasama ang isang Milagros Pinaranda dakong ala-1:35 ng hapon at makalipas lamang ang 15 minuto ay napansin na umuungol, na­ngingisay at naninigas ang biktima.

Humingi ng saklolo sa hotel staff si Pinaranda na tumulong upang maisugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktima subalit idineklarang dead-on-arrival.

Nakuha sa belt bag ng biktima ang mga tableta na nasa loob ng isang maliit na plastic bottle na may label na Chinese character at sinasabing ‘viagra’.

Ayon sa babaeng kasama ng matanda, kapapasok pa lamang nila sa hotel at hindi niya akalaing may masamang mangyayari sa biktima.

vuukle comment

VIAGRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with