^

Police Metro

P5 milyong cocaine nalambat sa dagat

Joy Cantos, Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa P5-milyong halaga ng high grade cocaine ang narekober ng mga otoridad sa baybaying dagat ng Brgy. Apad, Jomalig, Quezon kamakalawa.

Sa ulat ni CALABARZON Police Director Police Brig Gen. Edward Carranza, pasado alas-3:00 ng hapon nang marekober ang isang bloke ng cocaine sa naturang lugar.

Ayon sa opisyal ang natagpuang cocaine ay tumitimbang ng isang kilo at nagkahahalaga ng P5-milyon.

Base sa pahayag ni Police Lt. Laudemer Abang, officer-in-charge ng Jomalig Municipal Police Station (MPS), isang ma­ngingisda na nagngangalang Jose Mercado ang nag-report sa kanilang himpilan hinggil sa lumulutang na kahinahinalang kulay kayumangging bagahe. Agad namang nagresponde ang mga operatiba sa ilalim ng superbisyon ni Abang at tulong ni Sanggunian Bayan member Nelmar Sarmiento ay naiahon mula sa dagat ang nasabing isang bloke ng cocaine.

Itinurnover na sa PNP Crime Laboratory ang narekober na cocaine upang maisailalim ito sa masusing pagsusuri.

vuukle comment

COCAINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with