^

Police Metro

Police Major nagboga sa ulo

Rhoderick Beñez - Pang-masa
Police Major nagboga sa ulo

MANILA, Philippines — Pinaniniwalaang dumaranas ng matinding depres­yon kung kaya’t nagpasiya ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) na tapusin na lamang ang kanyang buhay matapos magbaril sa ulo sa Purok Osmeña, Brgy. Poblacion, Bagumbayan, Sultan Kudarat, Biyernes ng hapon.

Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan si Police Major Kristian Ace Palmes Sularte, 35, binata, at nakatalaga sa PNP-11 Regional Mobile Force Battalion (RMFB).

Ayon sa ulat ng Sultan Kudarat Police Provincial Office, nagbaril umano si Sularte sa kanyang sarili sa loob ng kanyang kotse na nakaparada sa harap ng bahay ng kanyang magulang sa nasabing lugar.

Agad dinala si Sularte ng kanyang pamilya sa isang pagamutan sa Isulan Sultan Kudarat ngunit idineklarang dead-on-arrival dahil sa tama ng bala sa kanyang ulo.

Narekober namang ng mga otoridad sa loob ng ­kotse ng biktima ang kanyang baril na ginamit nito para kitilin ang kanyang sariling buhay.

Marami ang naniniwala na posibleng may malaking problemang dinadala ang opisyal at nakakaranas ito ng depresyon kaya nagawa nito ang pagpapatiwakal.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang kaso.

vuukle comment

SUICIDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with