^

Police Metro

2 rider patay sa bus

Raymund Catindig, Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang motorcycle rider ang nasawi nang sila ay masalpok ng pampasaherong bus sa magkahiwalay na insidente sa Albay at Isabela.

Ang biktima na idi­neklarang dead-on-arrival sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ay nakilalang si Anthony Buenaobra Lomenario, 21, ng Purok-2, Brgy. Alobo, Daraga Albay.

Sumuko naman ang driver ng bus na si Ri­chard Rodriguez Amolo, 24, ng Brgy. Mayaopayawan, Milaor, Camarines Sur.

Sa ulat, dakong alas-10:15 ng gabi magkasalubong na binabaybay ang highway ng motorsiklo ng biktima at Amihan Bus Lines (ACC-8535).

Biglang nag-U turn ang biktima dahilan para mabangga ito ng kasalubong na bus at pumailalim.

Namatay din ang kawani ng BIR na si Mark Vincent Balisi matapos masalpok habang nagmomotor ng GV Florida Bus na minamaneho ni Rodel Bumagat, 46, sa National Highway ng Barangay Guibang, Gamu, Isabela kamakalawa ng gabi.

Sa imbestigasyon, alas-11:30 ng gabi ay pauwi na sa Ilagan City si Balisi nang tumbukin ng sumusunod na bus patungong Cagayan nang biglang huminto sa gitna ng kalsada ang kanyang motorsiklo.

Sa lakas nang salpok ay tumilapon sa ere at nagpagulong gulong sa highway si Balisi na kanyang ikinamatay noon din.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with