^

Police Metro

10 persons of interest sa Espino ambush

Joy Cantos - Pang-masa
10 persons of interest sa Espino ambush
Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 2 Director Police Brig. Gen. Joel Orduña, sampung persons of interest ang sangkot sa ambush kay Espino batay sa pahayag ng mga testigo at video footage na nakuha sa CCTV sa lugar.
File

MANILA, Philippines — Sinisilip na ng mga otoridad ang 10 persons of inte­rest na nasa likod ng pa­nanambang kay dating Pangasinan governor at dating kongresista na si Amado “Ama” Espino Jr.

Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 2 Director Police Brig. Gen. Joel Orduña, sampung persons of interest ang  sangkot sa ambush kay Espino batay sa pahayag ng mga testigo at  video footage na nakuha sa CCTV sa lugar.

Sa nasabing ambush ay nasawi noon din ang security escort ni Espino na si Police Staff Sergeant Richard Esguerra at kamakalawa ng alas-6:00 ng gabi ay  binawian ng buhay ang driver na si Agapito Cuizon.

Sa kasalukuyan ay  ‘stable’ na ang kondisyon ni Espino habang patuloy pa ring nilalapatan  ng lunas ang iba pa nitong sugatang security escort na sina Kervin Marfori, sibilyan at Staff Sergeant Jayson Malsi.

Natukoy na ang  may-ari ng dalawang behikulo na ginamit ng mga gunmen na isang kulay asul na Ford Everest na ina­bandona sa Brgy. Pasimi, Malasiqui na pag-aari ni Marivic Villanueva habang ang kulay pulang Hyundai Elantra na pag-aari ni John Paul Regalado ay inabandona naman sa Brgy. Cobol, San Carlos City at ina­alam kung kinarnap ang mga ito.

Samantalang hina­hanap pa ng mga otoridad ang kulay itim na Toyota Wigo  na ginamit din ng mga salarin.

Kinukunan na ng testimonya ang mga testigo at sinusuri na rin ang mga kuha ng CCTV sa crime scene at lugar na dinaanan ng mga salarin.

vuukle comment

AMADO AMA ESPINO JR

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with