65 miyembro ng NPA rebels, sumuko
MANILA, Philippines — Nasa 65 aktibong miyembro ng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Castilla, Sorsogon ang sumuko sa pamahalaan.
Ito ang iniulat ni Major General Fernando Trinidad, commander ng 9th Infantry Division ng Philippine Army (PA), na sa 65 miyembro ng NPA, 38 sa kanila ang regular NPA members, 25 ang miyembro ng local armed group Sangay ng Partido sa Lokalidad at 2 ang mula sa Milisyang Bayang na pawang lahat ay mula sa Larangan 1, Komiteng Probinsya 3 ng Bicol Regional Party Committee.
Isinuko rin ng mga rebelde ang dalawang carbines, anim na M16 rifles, dalawang caliber 4 pistols, dalawang improvised explosive device, dalawang molotov bombs, anim na VHF magazines para sa matataas na uri ng baril.
Itinuturing naman ni Trinidad na makasaysayan ang accomplishment ng pinaigting na Community Support Program (CSP) ng PA.
Ayon naman kay Col. Noel Alberyo Penafiel, commanding officer ng 903rd IB na ang mga sumukong rebelde ay kaagad nilang i-eenroll sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program.
- Latest