5 timbog sa P14-M droga
MANILA, Philippines — Limang katao kabilang ang isang Angkas driver ang naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City at Imus City, Cavite, kamakalawa.
Sa Quezon City, alas-4:10 ng hapon nang maaresto ang dalawang suspek na sina Ali Datukan Salim, 28, Angkas driver at Alsamer Mohammad Yusop, 19, kapwa residente ng Maynila sa buy-bust operation sa Kanlaon St., Brgy. Sta. Teresita at nakumpiska ang 50 gramo ng shabu na may street value na P340,000.
Tatlong lalaki na kinilalang sina Paul Angelo Lee Castro, 30; Jesse James Palenzuela, 29; at Gina Carim Abdul, 45 ang naaresto sa buy-bust operation ng PDEA dakong alas-4:30 ng hapon sa Emilio Aguinaldo Highway, Anabu II-C, Imus City, Cavite at nakumpiska ang nasa P13.6 milyon halaga ng shabu.
- Latest