^

Police Metro

10 katao inararo ng taxi

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasugatan ang 10 katao matapos na sila ay ara­ruhin ng isang taxi na umano ay nawalan ng preno, kama­kalawa ng gabi sa Pasig Boulevard, Barangay Pineda, Pasig City.

Pawang nagtamo ng sugat sa iba’t ibang katawan ang 10 biktima na hindi pinangalanan ng mga otori­dad na ginagamot sa Rizal Medical Center at The Me­dical City. Nadakip ng mga otoridad ang taxi driver na si Roberto Marquez, 58.

Sa ulat ng Pasig City Police, alas-7:30 ng gabi mi­na­maneho ni Marquez ang kanyang taxi (UWB-534) at binabaybay ang kahabaan ng Pasig Boulevard kasabay ang dalawang motorsiklo nang ito ay mawalan ng preno pagdating sa kanto ng Banaag Street at nabangga ng taxi ang dalawang motorsiklo at nasa­ga­saan ang nag-aabang na mga tao.

vuukle comment

TAXI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with