^

Police Metro

3 sasakyan, bahay inararo ng bus: 1 tigok

Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isa ang nasawi habang 22 naman ang ­sugatan matapos araruhin ng isang pampasaherong bus ang tatlong sasakyan at isang bahay sa Brgy. Angeles, Atimonan, Quezon, kamakalawa ng hapon.

Matinding pinsala sa ulo at katawan ang ikinasawi ng driver ng truck na si Ireneo Abayon, 58 ng Davao City samantalang ginagamot sa Doña Martha Memorial District Hospital at Nuestra Senora delos Angeles General Hospital ang mga pasahero ng AMV ­EL­AVIL Tours Phil. Trans na minamaneho ng suspek na si Aldin Madera ng Camarines Norte at ang mga driver ng tricycle at motorsiklo.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-4:40 ng hapon ay binabagtas ng Bicol bound bus ni Madera ang highway at nag-overtake ito at nasagi ang tricycle ni Manuel Latonero su­balit nabulaga at tuluyang nabangga ang kasalubong na trailer truck ng nasa­wing si Abayon.

Kasunod nito ay inararo pa ng bus ang trak hanggang sa gilid ng highway at nahagip din ang motorsiklo ni Darwin Bobares saka tulu­yang binangga ang bahay ni Bryan Lundag.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with