^

Police Metro

Palengke pinasabugan: 8 sugatan

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pang-masa
Palengke pinasabugan: 8 sugatan
Ayon sa ulat ng mga otoridad, dakong alas-7:00 ng umaga nang mangyari ang pagsabog ng Improvised Explosive Device (IED) sa Public Market ng Isulan, Sultan Kudarat.
File

MANILA, Philippines — Sugatan ang walong katao kabilang ang isang traffic enforcer makaraang sumabog ang itinanim na bomba sa pamilihang bayan sa Isulan, Sultan Kudarat nitong Sabado ng umaga.

Ang mga biktima na isinugod sa Holy Na­zarene Hospital at Sultan Kudarat Provincial Hospital para malapatan ng lunas ay sina Jomar Catalan Aquino, 30; Jay Carnaso, 30; Niño Virgo, 28; Jarem Binaluon, 24; Gulano Salip, 24; traffic enforcer na si Terrencio Cagadas, 35; pawang ng Isulan, Sultan Kudarat; Gerald Cartanega, 28 ng Surallah, South Cotabato; at Richard Arancillo, 45, M, New Lagao, Tacurong

Ayon sa ulat ng mga otoridad, dakong alas-7:00 ng umaga nang mangyari ang pagsabog ng Improvised Explosive Device (IED) sa Public Market ng Isulan, Sultan Kudarat.

Sa imbestigasyon, nabatid na ang pampasabog ay inilagay sa tabi ng isang nakaparadang motorsiklo .

Kasalukuyang abala ang mga tao sa pamamalengke sa lugar kung saan nasa bisinidad din ang traffic enforcer na si Cagadas nang yanigin ng pagsabog ang lugar na ikinasugat ng mga biktima.

Pinaniniwalaan namang ang mga lokal na teroristang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nasa likod ng pagpapasabog habang patuloy ang im­bestigasyon sa kasong ito.

vuukle comment

BOMBING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with