2 parak kinasuhan ng murder
MANILA, Philippines — Sinampahan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) ng kasong double murder at multiple counts of attempted murder ang dalawang pulis na sina SPO1 Dario Cahigas, nakatalaga sa Intelligence Division ng La Union Provincial Police Office (LUPPO), at SPO2 Arnold Calzado ng PNP-Regional Office 1, Camp General Florendo, San Fernando City, La Union at ilan pang hindi tukoy ang pagkakakilanlan dahil sa pananambang kina Balaoan, La Union Municipal Mayor Aleli Concepcion at Vice-Mayor Al-Fred Concepcion noong Nobyembre 14, 2018.
Nabatid na nakakuha ng sapat na batayan ang NBI para sampahan ng mga nabanggit na kaso ang mga respondents kaugnay sa pananambang na ikinasawi ni Vice Mayor Al-Fred at kaniyang bodyguard habang sugatan naman ang alkalde at mga bodyguard nito.
Magugunita na noong Nobyembre 14, 2018 ng umaga nang tambangan ang mag-amang Concepcion at ang kanilang convoy habang bumibiyahe sa Balaoan-Luna Road patungong Municipal Hall.
- Latest