^

Police Metro

Tandem patay sa dump truck

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo matapos na sila ay mabangga at magulungan ng dump truck, kamakalawa sa Aguinaldo Highway, Brgy. Panapaan 5, Bacoor City, Cavite.

Ang dalawang nasawi ay kinilalang sina Raymond Manaloto, 24, merchandizer, ng Fatima Subd., Brgy. Zapote, Bacoor City, at ang angkas nitong si Joko de Jose, 22, aircon installer, ng Blk N1, Lot 8 Brgy Emmanuel 1, Dasmariñas City, Cavite.

Nasa kustodiya ng pulisya ang driver ng dump truck na si Charlie Hamito, 34, residente ng Navotas Fishport Complex, Navotas City.

Sa ulat, alas-11:40 ng gabi ay minamaneho ni Manaloto ang kanyang motorsiklo at angkas si De Jose at binabagtas ang nasabing highway nang salpukin ng kasalubong na dump truck.

Sa lakas ng pagkakasalpok ay tumilapon ang dalawang biktima na bumagsak sa harapan ng truck kaya’t nagulungan ang mga ito. Walang maipakitang driver license ang truck driver na nahaharap sa kasong reckless imprudence  resulting to multiple homicide and damage to property.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with